Ang sinumang napatnubayan ay napatnubayan lamang para sa [pakinabang ng] sarili niya at ang sinumang naligaw ay naligaw lamang laban dito. Hindi papasanin ng isang tagapasan ang pasanin ng iba. Hindi Kami magpaparusa hanggang sa magpadala Kami ng isang sugo.