Dar Al-Salam Center

Ayah by Ayah

Tags

Download Links

A translation of every ayah of the Quran in Tagalog.

Dar Al-Salam Center translation for Surah Al-Kahf — Ayah 22

18:22
سَيَقُولُونَ ثَلَٰثَةٞ رَّابِعُهُمۡ كَلۡبُهُمۡ وَيَقُولُونَ خَمۡسَةٞ سَادِسُهُمۡ كَلۡبُهُمۡ رَجۡمَۢا بِٱلۡغَيۡبِۖ وَيَقُولُونَ سَبۡعَةٞ وَثَامِنُهُمۡ كَلۡبُهُمۡۚ قُل رَّبِّيٓ أَعۡلَمُ بِعِدَّتِهِم مَّا يَعۡلَمُهُمۡ إِلَّا قَلِيلٞۗ فَلَا تُمَارِ فِيهِمۡ إِلَّا مِرَآءٗ ظَٰهِرٗا وَلَا تَسۡتَفۡتِ فِيهِم مِّنۡهُمۡ أَحَدٗا ٢٢
Magsasabi ang mga iyon na [sila ay] tatlo, na ang ikaapat sa kanila ay ang aso nila; at magsasabi pa ang mga iyon na [sila ay] lima, na ang ikaanim sa kanila ay ang aso nila – bilang panghuhula sa nakalingid. Magsasabi ang mga iyon na [sila ay] pito, na ang ikawalo sa kanila ay ang aso nila. Sabihin mo: “Ang Panginoon ko ay higit na maalam sa bilang nila; walang nakaaalam sa kanila kundi kaunti. Kaya huwag kayong makipagtaltalan hinggil sa kanila [sa bilang] malibang ayon sa pakikipagtaltalang hayag at huwag kayong magsiyasat hinggil sa kanila mula sa mga iyon1 sa isa man.”
Footnotes
  • [1] Ibig sabihin: sa mga Hudyo at mga Kristiyano.