Dar Al-Salam Center

Ayah by Ayah

Tags

Download Links

Dar Al-Salam Center translation for Surah Al-Ahzab — Ayah 33

33:33
وَقَرۡنَ فِي بُيُوتِكُنَّ وَلَا تَبَرَّجۡنَ تَبَرُّجَ ٱلۡجَٰهِلِيَّةِ ٱلۡأُولَىٰۖ وَأَقِمۡنَ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتِينَ ٱلزَّكَوٰةَ وَأَطِعۡنَ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥٓۚ إِنَّمَا يُرِيدُ ٱللَّهُ لِيُذۡهِبَ عَنكُمُ ٱلرِّجۡسَ أَهۡلَ ٱلۡبَيۡتِ وَيُطَهِّرَكُمۡ تَطۡهِيرٗا ٣٣
Manatili kayo sa mga bahay ninyo at huwag kayong magtanghal1 gaya ng pagtatanghal ng unang Panahon ng Kamangmangan.2 Magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, at tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya. Nagnanais lamang si Allāh na mag-alis sa inyo ng karumihan [na kapinsalaan, kasamaan, at kasalanan], O mga tao ng bahay [ng Propeta], at magdalisay sa inyo nang isang [lubos na] pagdadalisay.
Footnotes
  • [1] ng kagandahan at hugis ng katawan kapag umaalis ng bahay
  • [2] Bagkus magpanatili kayo ng tuntunin ng pananamit at kalinisang-puri ninyo