O mga sumampalataya, huwag kayong gumamit sa mga yaman ninyo sa pagitan ninyo sa kawalang-kabuluhan, maliban na ito ay maging isang kalakalan ayon sa pagkakaluguran mula sa inyo. Huwag kayong pumatay sa mga sarili ninyo;1 tunay na si Allāh laging sa inyo ay Maawain.
Footnotes
[1]
O Huwag kayong pumatay sa isa’t isa sa mga sarili ninyo.