Dar Al-Salam Center

Ayah by Ayah

Tags

Download Links

A translation of every ayah of the Quran in Tagalog.

Dar Al-Salam Center translation for Surah Al-A'raf — Ayah 189

7:189
۞ هُوَ ٱلَّذِي خَلَقَكُم مِّن نَّفۡسٖ وَٰحِدَةٖ وَجَعَلَ مِنۡهَا زَوۡجَهَا لِيَسۡكُنَ إِلَيۡهَاۖ فَلَمَّا تَغَشَّىٰهَا حَمَلَتۡ حَمۡلًا خَفِيفٗا فَمَرَّتۡ بِهِۦۖ فَلَمَّآ أَثۡقَلَت دَّعَوَا ٱللَّهَ رَبَّهُمَا لَئِنۡ ءَاتَيۡتَنَا صَٰلِحٗا لَّنَكُونَنَّ مِنَ ٱلشَّٰكِرِينَ ١٨٩
Siya ay ang lumikha sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa [na si Adan] at gumawa Siya mula rito ng maybahay nito [na si Eva] upang matiwasay ito roon. Kaya noong lumukob ito roon ay nagdala iyon ng isang magaang dala1 saka nagpatuloy iyon dito. Ngunit noong nabigatan iyon ay nanalangin ang dalawa sa Panginoon ng dalawa: “Talagang kung magbibigay Ka sa amin ng isang [anak na] maayos, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga tagapagpasalamat [sa biyaya].”
Footnotes
  • [1] Ibig sabihin: pagbubuntis na hindi napapansin.